Thursday, May 16, 2013

Suansing, Violago, Ipinroklama na bilang kinatawan ng una at ikalawang distrito sa Nueva Ecija


LUNGSOD NG CABANATUAN, Nueva Ecija-Ipinroklama na kagabi ng Provincial Board of Canvassers sina Estrellita “Ging” Suansing at Joseph Gilbert Violago bilang kinatawan ng una at ikalawang distrito sa lalawigan.
 
Ayon kay Lydia Pangilinan, provincial election supervisor, lumamang sa ika-unang distrito si Suansing sa puntos na 109,059 laban sa 90,125 na boto ng katunggaling papalabas na Mayor ng Quezon, Mariano Cristino Joson at 17,219 na puntos ni Renato Diaz.
 
Sa ikalawang distrito naman nanatili sa kinauupan si Violago na tumakbong walang kalaban nitong nakaraang halalan at sinolo ang 164,214 na boto.
 
Kasabay na ding ipinroklama sa pagkaboard member sina: Eduardo Rey Joson (121,000 boto), Belinda Palilio (111, 608 boto), at Eric Daniel Salazar (79, 408 boto) para sa unang distrito.
 
Sa ikalawang distrito, sina Joseph Ortiz na may 102, 982 na boto at Ed Agliam na may 87,795 na boto.
 
Samantala, inaasahan ng Provincial Board of Canvassers na matatapos na din ang transmisyon ng mga boto sa ikatlo at ikalawang distrito ng lalawigan. (Camille C. Nagano)

Disclaimer

Disclaimer: The comments uploaded on this blog do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "THE CATHOLIC MEDIA NETWORK NEWS ONLINE".

Should the Philippine government legalize same-sex marriage?