CABANATUAN CITY, Nueva Ecija-Nagwagi ang mga kandidato ng Partido Liberal sa mga bayan ng Llanera, Carranglan, General Tinio at lungsod ng Cabanatuan.
Muling nahalal bilang alkalde ng Cabanatuan si Mayor Julius Cesar Vergara na lumamang ng 78,470 boto laban sa 45,761 boto ni Emmanuel Antonio Umali ng Unang Sigaw.
Kasabay ding naiproklama ang kanyang Biseng si Marius Garcia at linya ng mga konsehal: Jean Yasmin Cruz, Ariel Severino, Mario Seeping, EJ Joson, Bunso Roque, Jonjon Del Rosario at Lito Saclolo Jr.
Bukod tanging sina Janjan Cecilio, Gave Calling at Bok Diaz lamang ang nakapasok sa hanay ng mga konsehal ni Umali.
Samantala, sa bayan ng Llanera, nagwagi ang buong alyansa ni reelectionist Liberal Mayor Lorna Mae Vero at kanyang bise Ronnie Roy Pascual.
Nagwagi din ang mga kandidato ng Liberal sa bayan ng Carranglan, punong bayan Mary Abad at Bise Efren Alfonso Jr. at sa General Tinio, punong bayan Virgilio Bote at kanyang bise Ferdinand Bote. (Camille C. Nagano)