Sunday, September 25, 2011

Bagyong Pedring Patuloy na Umuusad Patungong Isabela at Aurora

BALER, Aurora, Setyembre 26, 2011-Napanatili ng bagyong Pedring ang lakas nito habang patuloy na umuusad papuntang lalawigan ng Isabela at Aurora.

Ayon sa Baler, Aurora-Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 260 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 110 kilometro bawat oras at may pagbugsong hangin na umaabot ng 140 kilometro bawat oras.

Umuusad ito ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 17 kilometro bawat oras.
Inaasahan na tatama ang mata ng bagyo sa kalupaan Aurora-Isabela bukas  ng umaga araw ng Martes.

Nakataas ngayon ang signal number 2 sa lalawigan ng Isabela, Aurora, Catanduanes, Pilillo Island, Camarines Norte at Camarines Sur.

Signal number 1 naman sa Albay kabilang na ang Burias Island, Sorsogon, Quezon, Quirino, Ifugao, Nueva Vizcaya, Mt. Province, Kalinga at Cagayan.

Dahil dito inalerto ng Pagasa ang mga residente na nasa mga lugar na may storm signals na paghandaan ang mga pagbaha at pagguho ng lupa lalo't nasa 10-20 mm bawat oras ang dalang ulan ng bagyo habang may lawak na 600  kilometro. (Bagong Aurora Website ng Bayan) 

No comments:

Disclaimer

Disclaimer: The comments uploaded on this blog do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "THE CATHOLIC MEDIA NETWORK NEWS ONLINE".

Should the Philippine government legalize same-sex marriage?