Thursday, October 3, 2013

Stakeholders ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa Gitnang Luzon, pinarangalan.

CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA - Pinarangalan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga stakeholders nito sa Gitnang Luzon sa Annual Appreciation lunch sa BSP Cabanatuan City branch noong Miyerkoles na pinangunahan ng isa sa Monetary Board Member ng BSP na si Armando Suratos.

Sa 71 awardees sa buong Pilipinas sa iba’t-ibang kategorya, tatlo ang nagbuhat sa Gitnang Luzon na pinangunahan ng Producers Savings Bank Corporation na napili bilang Outstanding Respondent sa Large and Medium firms para sa Business Expectations Survey o BES. 

Ang parangal ay personal na tinanggap ng Presidente at Chief Operating Officer ng PSBC na si Edmundo Medrano. “We are very happy that we have gotten the award again. We are continuing to support the BSP.” sabi nito

Outstanding Respondent naman sa Small Firms sa buong rehiyon ng Gitnang Luzon ang Polarmarine, Inc. na gumagawa ng mga tank cleaning equipments para sa marine and industrial applications. 

“We are very proud that we are part of this advocacy,” pahayag ng Area and Finance Manager of Polarmarine, Inc. na si Carolina Agoo. 

Tinanghal naman na Outstanding partner for the Report on Regional Economic Development ang Provincial Planning and Development Office ng Bataan dahil sa pagbibigay nito ng epektibong plano, programa at iba pa para sa kaunlaran ng lalawigan.

“Hindi ko inaasahan na yun palang simple bagay na ginagawa namin ay malaki din ang impact sa iba kaya ako’y natutuwa at kahit papaano ay nabigyan kami ng ganitong recognition,” sabi ni  Ludivina Banzon, ang Provincial Planning and Development Officer ng Bataan.

Ang taunang pagbibigay ng pagkilala at parangal sa mga katuwang ng BSP ay nagsimula noong 2005 at ang programang isinagawa sa Cabanatuan ay ika-8 sa siyam na kagayang programa ngayong taon. (Ronald Madrid Leander)

No comments:

Disclaimer

Disclaimer: The comments uploaded on this blog do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "THE CATHOLIC MEDIA NETWORK NEWS ONLINE".

Should the Philippine government legalize same-sex marriage?