Pinabubusisi ni Senador Antonio "Sonny" F. Trillanes IV sa Senado ang nakadidismayang performance ng mga ipinadalang manlalaro sa katatapos lamang na London Summer Olympics at ang nakaraang Southeast Asian (SEA) Games.
“Kinikilala natin ang talento ng mga atletang Pinoy at ang pagpapakita nila ng tyaga, dedikasyon, tapang at tibay ng loob sa iba’t ibang kompetisyon. Ngunit kitang-kita base sa mga nakaraang mga laro sa palakasan sa buong mundo maging sa rehiyon man na ang ating bansa ay hindi kayang makipagsabayan sa Olympics at napagiiwanan na ng ating mga kalapit bansa sa Asya,” pahayag ni Trillanes.
Sa inihain nyang Senate Resolution No. 838, pinaiimbestigahan ni Trillanes sa Senate Committee on Amateur Sports Competitiveness at iba pang komite ang kalagayan ng isports sa Pilipinas matapos nga ang hindi magandang performance ng mga atletang Pinoy.
Binigyang-diin ng senador na 16 na taon na ang nakalipas ng huling makasungkit ng medalya ang Pilipinas sa Olympics sa pamamagitan ni Mansueto “Onyok” Velasco na nakakuha ng silver medal sa boxing noong 1996 sa Atlanta Olympics.
Sa pagnanais na iangat ang kalagayan ng isports sa bansa, nauna nang inihain ni Trillanes ang Senate Bill 3092 na bubuo ng Department of Sports. Ang ahensyang ito ang siyang gagawa ng mga polisiya, plano, koordinasyon, pagpapatupad, pagpapalaganap at pagpapaunlad isports sa bansa.
“Ako ay umaasa na sa oras na maitatag ang Department of Sports, ang isports ay muling magiging bahagi ng pagpapaunlad sa mga kabataan – isang pwersang magpapaigting sa pagkakaisa at ating pagkamakabayan,” paliwanag ni Trillanes.
Dagdag pa ni Trillanes ang gobyerno ay tila hindi napagtutuunan ang napakahalagang papel ng isports sa pangkalahatang kaunlaran kahit pa ito ay nakasaad sa Saligang Batas.
It's in Christ that we find out who we are and what we are living for. Offering ourselves to God is what we worship about. Let us share our talents and resources to God with all our hearts and souls as one network of the Catholic Media that is pro-life, pro-people, pro-poor, service and community oriented.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Disclaimer
Disclaimer: The comments uploaded on this blog do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "THE CATHOLIC MEDIA NETWORK NEWS ONLINE".
No comments:
Post a Comment