Sunday, November 24, 2013

NOLCOM, kinilala ang mga naiaambag ng mga mamamahayag sa Gitnang Luzon

LUNGSOD NG CABANATUAN, Nueva Ecija-Nagsagawa nitong Huwebes ng Media Fellowship ang Northern Luzon Command (NOLCOM) ng Armed Forces of the Philippines bilang pagkilala sa mga naiaambag ng mga mamamahayag sa pagpapalawak ng kanilang mga programa at proyekto.
 
 
Ayon kay NOLCOM Commander Lieutenant General Gregorio Pio Catapang, Jr., mahalaga ang komunikasyon upang maipaabot at gawing bukas sa taumbayan ang kanilang mga plano, anunsiyo at programa.
 
 
Pinangunahan ni Catapang ang tree-planting at fun shoot kasama ang mga mamamahayag sa rehiyon.
 
 
Ipinasilip din sa mga nagsidalo ang inipong mga troso na sinira ng Bagyong Santi na ginagawang kasangkapan at kanilang ibinebenta sa halagang dalawa hanggang apat na libong piso.
 
 
Sinabi ni Catapang na ang perang malilikom mula dito ay ibabahagi sa mga survivors ng bagyong Yolanda at lindol sa Visayas.
 
 
Bukod pa dito ay pinaplano din ng NOLCOM na magsagawa ng mga fund raising events gaya ng shootfest at golf for a cause. (Camille C. Nagaño)

No comments:

Disclaimer

Disclaimer: The comments uploaded on this blog do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "THE CATHOLIC MEDIA NETWORK NEWS ONLINE".

Should the Philippine government legalize same-sex marriage?