Saturday, August 11, 2012

PNoy namahagi ng relief goods sa mga evacuees ng Malolos


MALOLOS CITY, Bulacan, Agosto 11, 2012–Pinangunahan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang pamamahagi ng relief goods sa may 339 pamilya na nasa evacuation center sa City of Malolos Integrated School sa kanyang ginawang pagbisita sa nasabing lungsod ngayong araw.

Personal na tinungo ni Pangulong Aquino ang lugar upang tiyakin ang maayos na kalagayan ng mga naapektuhan ng mga pagbaha dulot ng malalakas na pag-uulan sanhi ng matinding hanging habagat.

Sinabi ng Pangulo ng maraming kailangan gawin hindi sa pagbawas ng pagbaha kung hindi paghinto ng baha.

“Kayo ang boss ko, kaya’t tatapusin ang lahat ng dapat tapusin,” ani ng Pangulo sa harap ng mahigit 1,000 residenteng lumikas sanhi ng pagbabaha sa nasabing lungsod.

Kabilang sa mga residenteng lumikas sa nabanggit na evacuation center ang mga naninirahan sa barangay San Vicente, Caniogan, Sto. Rosario, Catmon at San Juan.

Tumanggap ang mga evacuees’ ng relief goods na naglalaman ng tatlong kilo ng bigas, apat na delatang corned beef, limang lata ng sardinas at limang pakete ng noodles.

Katulong ng Pangulo sa pamamahagi ng relief goods sina Department of Social Welfare and Development Sec. Corazon “Dinky” Soliman, Department of Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson at Technical Education and Skills Development Authority chief Sec. Joel Villanueva

Kasama rin dumalaw ni Pangulong Aquino sina CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna, Department of Interior and Local Government Jesse Robredo, Department of Energy Secretary Jose Rene Almendras at Presidential Communications Development and Strategic Planning Secretary Ricky Carandang. (Vinson Concepcion)

No comments:

Disclaimer

Disclaimer: The comments uploaded on this blog do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "THE CATHOLIC MEDIA NETWORK NEWS ONLINE".

Should the Philippine government legalize same-sex marriage?