Sunday, December 15, 2013

7ID, nagsagawa ng blood letting, tree planting

FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija-Nagsagawa kamakailan ng blood letting at tree planting ang 7th Infantry Division (7ID) ng Philippine Army bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-78 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines ngayong buwan.
 
Sinabi ni 7ID Public Affairs Officer Captain Mark Anthony Ruelos na layunin ng blood letting, na may temang “Dugo Pandugtong Buhay Alay ng Kaugnay sa Mamamayan”, na makakolekta ng 40,000 cc na dugo.
 
Naging katuwang rito ng dibisyon ang Philippine Red Cross- Nueva Ecija chapter.
 
Samantala, may 3,500 fruit at non-fruit bearing trees naman ang itinanim sa loob ng kampo sa aktibidad na pinamagatang “Punong Mag-Kaugnay Pangsagip sa Kalikasan.” (Camille C. Nagaño)

Disclaimer

Disclaimer: The comments uploaded on this blog do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "THE CATHOLIC MEDIA NETWORK NEWS ONLINE".

Should the Philippine government legalize same-sex marriage?