Sunday, November 24, 2013

Baler, nagsilbing host ng 2013 Palarong Panlalawigan ng Aurora

BALER, Aurora-Daan-daang kabataan na nasa elementarya at sekundarya ang lumahok sa katatapos na 2013 Palarong Panlalawigan ng Aurora na isinagawa sa bayan ng Baler.
 
Sa kanyang mensahae, sinabi ni Governor Gerardo Noveras na maging daan sana ang patimpalak sa pagkakaisa hindi lamang ng mga manlalaro kundi maging ng lahat na nanunungkulan sa pamahalaan.
 
Naglaban-laban ang mga delegado mula Baler, San Luis, Maria Aurora, Dipaculao, at Dilasag sa athletics, basketball, baseball, volleyball, sepak takraw, swimming, karate, boxing, at badminton.
 
Hindi nakapagpadala ng delegasyon ang tatlong bayang sinalanta ng bagyong Labuyo noong Agosto: Dinalungan, Casiguran, at Dingalan.
 
Ang mga nagwagi ang magiging pambato ng probinsya sa idaraos na Central Luzon Regional Athletic Meet sa susunod na taon. (Jojo S. Libranda)

No comments:

Disclaimer

Disclaimer: The comments uploaded on this blog do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of "THE CATHOLIC MEDIA NETWORK NEWS ONLINE".

Should the Philippine government legalize same-sex marriage?